Mga senador, maglalabas ng resolusyong hihikayat sa NTC na bawiin ang cease and desist order laban sa ABS-CBN

Binabalangkas na ni Senator Risa Hontiveros ang ihahaing resolusyon na humihikayat sa National Telecommunications Commission o NTC na i-reconsider ang kanilang cease and desist order laban sa ABS-CBN.

Ayon kay Hontiveros, kaisa niya sa paghahain ng resolusyon ang ilan pang mga senador sa mayorya at minorya.

Paliwanag ni Hontiveros, nagkakasundo ang ilang mga senador na sa panahong may kinakakaharap tayong krisis, ay mahalaga ang access sa tama at napapanahong impormasyon na hinahatid ng media.


Binanggit din Hontiveros na sang-ayon din sila na nilagay sa panganib ng ceast and desist order na inihain ng NTC sa ABS-CBN ang trabaho ng mahigit 13,000 manggagawa na pwedeng ituring ding mga ‘frontliner’ sa pandemic ngayon.

Facebook Comments