Friday, February 6, 2026

Mga senador, may mga babala kapag hindi pa rin matuloy ang BARMM Elections

Nagbabala ang ilang mga senador kapag hindi natuloy ang unang parliament election ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa pagdinig ng Senado, ipinunto ni Senator Migz Zubiri na ilang ulit nang naantala ang halalan sa BARMM.

Sinabi naman ni Senator JV Ejercito na pitong taon nang hinihintay ng mga taga BARMM ang pagdaraos ng eleksyon sa kanilang rehiyon.

Babala ni Zubiri, kapag hindi pa rin matuloy ang BARMM eleksyon ay asahan ang karahasan at gulo dahil sa political uncertainty at maituturing na disenfranchisement ang pagkakait sa mga residente na bumoto ng nais nilang lider.

Para kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia, sa darating na buwan ng Setyembre ang “best” at tamang pagkakataon para sa BARMM Elections.

Gayunman, pagaaralan pa ito dahil hindi naman mabubuo ang tatlong taong termino ng mahahalal kung mageeleksyon ulit sa rehiyon sa 2028.

Facebook Comments