Manila, Philippines – Hinamon ni Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan ang mga srnador na miyrmbro ng minorya na pumalag sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa tungkulin si Supt. Marvin Marcos at mga tauhan nito.
Si Marcos at mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG region 8 ay pawang sangkot sa pagpatay kay dating albuera leyte mayor rolando espinosa habang nakaditine sa Baybay Sub Provincial Jail.
Giit ni Pangilinan, malinaw sa findings ng National Bureau of Investigation at sa isinagawang imbestigasyn ng senado na murder dapat ang kaso ng ni Marcos at kanyang mga kasamahan dahil lumalabas na sinadya at pinagplanuhan ang pagptay kay Espinosa.
Kaugnay nito ay Umaasa si pangilinan na hindi magsasawalang kibo ang mga miyembro ng Senate Majority Bloc na lumagda sa committee report na inilabas ng senado ukol sa kaso ng pagpaslang kay Espinosa.
Paalala ni pangilinan, kasama sa tungkulin nilang mambabatas ang check and balance sa executive branch.
Sen. Kiko on Supt. Marcos – It is quite disturbing considering that the NBI and the Senate findings point to murder. We hope the members of the senate majority who signed the committee report will close ranks and fulfill its duty to act as a check and balance on the executive branch.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558