Mga senador na na-expose kay Secretary Lorenzana, sasailalim pa rin sa RT-PCR test kahit negatibo na sa COVID-19 ang kalihim

Tuloy ang pagsailalim sa RT-PCR test bukas, araw ng Linggo ng mga senador na nagkaroon ng closed contact kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sinabi ito ni Senate President Tito Sotto III kahit negatibo na ang resulta ng COVID-19 test ni Secretary Lorenzana.

Paliwanag ni SP Sotto, ito ay para matiyak ang safety o kaligtasan ng lahat sa Senado laban sa virus.


Si Lorenzana ay unang nagpositibo sa RT-PCR test na noong Martes matapos siyang dumalo sa budget deliberations ng Senado.

Dahil dito ay pansamantalang sinuspinde ang session ng Senado simula noong Miyerkules kaya naapektuhan ang schedule ng kanilang pagtalakay sa panukalang mahigit P5 trilyong pambansang budget sa susunod na taon.

Pero dahil agad nagnegatibo ang resulta ng kasunod na RT-PCR test ng kalihim, sinabi ni Sotto na mukhang false positive ang unang resulta ng COVID test nito.

Facebook Comments