
Kumpleto na ang 24 na senador na nagsapubliko ng kanilang mga Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Kabilang sa mga latest na naglabas ng kanilang mga SALN ay ang mga natitirang miyembro ng minorya na sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, Senator Ronald “Bato” dela Rosa at Senator Imee Marcos.
Si Cayetano ay may assets na ₱110.66 million, liabilities o utang na higit ₱1.5 million at networth na ₱109.131 million.
Si Dela Rosa naman ay may total assets na ₱61.31 million, liabilities na ₱29.021 million, at networth na ₱32.293 million.
Samantala si Sen. Imee naman ay may total assets at networth na ₱164.995 million at wala itong utang.
Nananatili pa rin sa pinakamayamang senador si Senator Mark Villar na may higit ₱1.2 billion na networth habang pinakamahirap pa rin si dating Senate President Chiz Escudero na may ₱18.84 million na networth.









