Mga senador na pabor sa parusang bitay, dumami

Nadagdagan pa ang bilang ng mga senador na pabor sa pagbabalik sa death penalty sa bansa.

Ayon kay Senador Manny Pacquiao – lagpas pa sa 13 botong kailangan para mailusot ang death penalty ang bilang ng mga senador na pabor ngayon sa panukala.

Bukod kina Senators Pacquiao, Ping Lacson, Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Bong Go, ihahain na rin ni Senador Sherwin Gatchalian ang sarili nitong bersyon ng panukala na nakatutok lang sa mga drug trafficker.


Nanindigan naman si Senate President Vicente Sotto III na mahihirapang maipasa ang death penalty bill kung sakop nito ang mga plunderer.

Facebook Comments