Mga senador na sumasailalim sa self-quarantine, patuloy na nadadagdagan

Sumasailalim na rin sa self-quarantine sina Senators Panfilo Ping Lacson, Sonny Angara, Imee Marcos, Francis Tolentino, Juan Miguel Zubiri, Kiko Pangilinan at Bong Revilla.

Nauna ng sumailalim sa self-quarantine sina Senators Win Gatchalian at Nancy Binay at sasailalim din sila sa COVID-19 test.

Ito ay makaraang makumpirma na isang resource person sa Senate hearing noong March 5 ang nagpositibo sa COVID-19.


Si Senator Lacson ay hinihakayat ang iba pa kasamahang senador na mag-self quarantine na rin para sa kapakanan ng lahat.

Tiniyak naman ni Senator Angara na maayos ang kondisyon ng kanyang kalusugan pero mas mainam na ang maging proactive.

Sabi ni Angara, pati ang kanyang mga staff ay kanyang pinauwi na noong Lunes pa.

Payo naman ni Senator Marcos sa lahat, palakasin ang immune system, uminom ng vitamins at mag-ingat palagi.

Si Senator Tolentino, bukod sa self-quarantine ay magpapa-check-up din sa doktor ngayon.

Isinulong naman ni Senator Zubiri, na lahat silang mga senador ay sumailalim sa pagsusuri dahil seryosong banta ang COVID-19 sa kalusugan lalo na sa ating mga mahal sa buhay na nakatatanda.

Si Senator Pangilinan ay Martes pa nagpatupad ng self-quarantine dahil na-expose sa COVID-19 patient ang isa niyang staff na nagnegatibo naman sa pagsusuri.

Si Senator Revilla ay nag-self quarantine hindi lang para sa sarili kundi para sa kapwa niya kasabay ang payo sa publiko na maging malinis sa sarili at paligid at huwag magpanic.

Sinigurado naman ni Senator Risa Hontiveros na hindi syia na-expose sa COVID-19 patient kaya hindi sya magsi-self quarantine pero magsasagawa siya at kanyang mga staff ng social distancing.

Sabi naman ni Senator Franklin Drilon na hindi siya na-expose sa nagpositibong COVID-19 patient noong March 5 pero nakasama naman niya sina Gatchalian at Binay nitong March 6, 9 at 11 kaya maging siya ay magse-self quarantine ng 14 araw.

Facebook Comments