Mga senador, naghain na ng mga panukalang batas sa pagsisimula ngayong araw ng 20th Congress

Nagsimula na ang mga senador na maghain ng panukalang batas sa pagsisimula ngayong araw ng 20th Congress.

Batay sa Bills and Index Section, si Senator Loren Legarda ang pinakaunang naghain ng panukalang batas kasunod nina Senate President Chiz Escudero, Senators Jinggoy Estrada, Robin Padilla, Camille Villar at Joel Villanueva.

Nagsagawa naman si Escudero ng raffle para sa pagkakasunod-sunod ng mga senador sa paghahain ng bills na limitado lang muna sa tig-sa-sampu bawat isang mambabatas.

Noon kasi, seniority ang batayan para mauna sa paghahain ng panukala ang mga senador.

Samantala, kabilang naman sa sampung bills na pinakaunang inihain ni Legarda ang One Tablet, One Student Act, Magna Carta Waste Workers, Living Wage Act, Monthly Maintenance Medication Support para sa mga senior citizens at Blue Economy Act.

Inihain naman ni Escudero ang mandatory credit allocation sa mga Micro, Small and Medium Enterprise (MSMEs) at pagbaba sa 60 anyos na retirement age ng mga guro at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd).

Samantala, una naman sa inihain ni Estrada ang pagbibigay ng social pension sa lahat ng senior citizens habang pagwawakas naman ng ‘ENDO’ o pagbabawal ngn kontraktwalisasyon naman ang unang inihain ni Villanueva.

Facebook Comments