Nagkakaisa ang mga senador sa pagbibigay suporta sa kanilang kasamahan na si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa gitna ng mga pagatake at ibinabatong akusasyon sa kanya ng Kamara na nagsimula dahil sa bangayan sa pekeng People’s Initiative (PI).
Umaasa si Senate President Juan Miguel Zubiri sa mga kongresista na maging maingat sa kanilang mga alegasyon dahil hindi ito magandang paratang at hindi ito makabubuti para sa inter-parliamentary courtesy.
Ayon kay Senator Pia Cayetano, nakilala na si Villanueva na isang mambabatas na “spoken at vocal” sa mga isyu kaya kung naglabas man ang senador ng ebidensya ay bakit hindi ito sagutin ng mga kongresista ng maayos.
Pinuri naman ni Senator Sonny Angara si Villanueva sa pangunguna sa pagtatanong sa kwestyunableng signature drive sa pekeng People’s Initiative.
Umapela naman si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa kanilang counterpart sa Kamara na kung gustong atakihin si Villanueva ay balikan ito tungkol sa mga isyung kanilang tinatalakay sa Senado at hindi sa personalang paraan.