Umani ng pagpuna mula sa mga Senador ang hakbang ng National Bureau of Investigation o NBI na pagpaliwanagin si Mayor Vico Sotto dahil sa posibleng paglabag sa bayanihan to Heal as One Act.
Pero giit ni Senate Presidnet Tito Sotto III, uncle ni Mayor Vico at syang pangunahing may-akda ng batas, hindi pwedeng retroactive ang anumang paglabag dito.
Diin naman ni sen. Joel Villanueva, ang hakbang ng nbi ay makakagulo lamang para sa isang katulad ni Mayor Vico na ginagampanang mabuti ang tungkulin para sa kapakanan ng kanyang nasasakupan.
Giit naman ni Senator Francis Kiko Pangilinan, labag sa konstitusyon na gawing krimen ang isang bagay na nagawa na bago pa man maipasa ang bagong batas.
Hinikayat din ni Pangilinan na i-atras ang pananakot na kasuhan si Mayor Vico na nagtatrabaho nang mabuti at naghahanap ng solusyon at paraan para makatulong.
Tanong naman ni Senator Risa Hontiveros, may na-insecure ba kay Mayor Vico dahil mas inatupag pa ng mga otoridad na hanapan ito ng paglabag.
Ipinunto ni Hontiveros na andaming kailangang bigyan ng solusyon tulad ng mga nagkakasakit na health workers, at mga nagugutom.