Mga senador, nagpahayag ng pagkabahala sa mga nangyaring aberya nitong eleksyon

Iginiit ni Senate President Tito Sotto III na panahon na para palitan ang Smartmatic na syang kompanyang kapartner ng pamahalaan sa automated elections.

 

Diin naman ni Senator Koko Pimentel, dapat magsagawa ng congressional investigation sa mga naging problema sa katatapos na botohan para matukoy kung bakit hindi ito napaghandaan ng Commission on Elections o Comelec.

 

Para kay Senator Risa Hontiveros, nakakaalarma, hindi katanggap-tanggap at nakakadismaya ang mga pagpalya ng mga vote-counting machines o VCMs, SD cards, markers at iba pa.


 

Pinagsasagawa naman ni Senator Nancy Binay ng malalimang imbestigasyon ang Comelec dahil isang malaking kwestyon ang pagpalpak ng maraming VCMs gayong ilang beses itong tinest ng Dept of Science and Tehcnology o DOST.

 

Labis ding ipinag-alala ni Senator Kiko Pangilnan ang nangyaring pahinto-hintong paglalabas sa resulta ng halalan na nagdulot ng agam agam sa publiko.

Facebook Comments