Ikinatuwa ng mga senador ang desisyon ng Manila Water Company Incorporated na huwag ng singilin o bigyan ng diskwento ang mga customers nila na nawalan ng suplay ng tubig ngayong buwan.
Ayon kay Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe, magandang simula ang hakbang ng Manila Water pero hindi pa rin sapat dahil dapat ay matunton talaga ang ugat ng problema at kung paano ito masosolusyunan.
Masaya din si Senator Joel Villanueva sa ginawa ng Manila Water pero giit niya dapat pa ring maipataw ang nararapat na parusa at multa sa Manila Water.
Diin naman ni Senator Risa Hontiveros sa pamahalaan, repasuhin ang mga kasunduang pinasok nito sa mga private water companies.
Para naman kay Senator Panfilo Ping Lacson, marami pang dapat gawin at ibigay ang manila water sa kanilang mga consumers.