Mga Senador, pabor na matuloy ang Barangay at SK elections

Manila, Philippines – Mas nakararaming mga senador ang nais na matuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections na nakatakda ngayong darating na Oktubre.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, layunin nito na mapalitan ang mga nakaupong opisyal ngayon ng barangay lalo na yaong hinihinalag sangkot sa iligal na droga.

Ang pahayag ay gnawa ni Villar nang hingan ng reaksyon ukol sa apela ng Commission on Elections o COMELEC sa dalawang kapulungan ng Kongreso na ipasa na ang panukalang batas na magpapaliban sa Barangay elections.


Ayon kay Senator Villar, hindi pa nila ito pormal na napag-uusapan pero sa kanilang kwentuhan mukhang mas nakakarami sa kanilang mga senador ang ayaw na idaan sa pagtatalaga o appointment na lang ang susunod na barangay officials.

Ikinatwiran pa ni Villar na kung dadaanin sa appointment ay mas marami ang magagalit kapag hindi napagbigyan.

Dagdag pa ni Senator Villar, mas mainam din na ang mamamayan mismo ang pipili ng gusto nilang mamuno sa kanilang mga komunidad.

Facebook Comments