Mga senador, pinaalalahanang kumilos at magsalita bilang huwes sa impeachment trial laban kay VP Sara Duterte

Nagpaalala si incoming Senator Ping Lacson sa mga kapwa senador na umakto at magsalita tulad sa mga huwes para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Lacson, oobserbahan ng publiko ang kanilang demeanor o kilos kaya dapat palagi nilang maaalala na sila ay mga senator judges at hindi myembro ng prosekusyon o depensa.

Bilang senator judge, sila ay magtatanong lamang para maliwanagan sa mga sagot ng prosekusyon at depensa at hindi para maghayag ng sariling opinyon sa takbo ng kaso.

Ayon din kay Lacson, dapat tumutok ang mga senator-judge sa takbo ng pagpresenta ng ebidensya, at hindi maabala ng mga sasabihin ng iba’t ibang personalidad tungkol sa impeachment trial.

Sinabi ni Lacson na dapat ding may iisa silang direksyon at hindi mapapaapekto sa salita ng sinuman.

Facebook Comments