Mga senador, pinadidistansya ni SP Escudero sa isyu ng pagpapa-impeach kay VP Sara Duterte

Pinayuhan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mga kapwa niya senador na huwag magsalita hinggil sa sinasabing balak na pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Escudero, hindi maganda na may miyembro ng Senado na madadawit sa prejudgment o maagang paghatol bago pa man maiakyat sa Senado ang impeachment case.

Una nang inihayag ni VP Sara na tinatrabaho ng Kamara ang pagpapa-impeach sa kanya.


Sa impeachment process, ang Senado ang tatayong impeachment court at ang mga senador ang uupong jurors at gagawad ng hatol sa pinapa-impeach na opisyal.

Facebook Comments