Mga senador, posibleng takot nang mabawasan ang haba ng termino kaya kontra na maamyendahan ang Konstitusyon

May hinala si Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte na ginagamit lang ng mga senador ang isyu tungkol sa people’s initiative na isang daan para maamyendahan ang Konstitusyon.

Sa tingin ni Villafuerte, ang totoong rason ng mga senador sa pagkontra sa charter change ay ang takot nila na mabawasan ang kanilang termino na hanggang 12 taon o anim na taon sa unang termino at dagdag na anim na taon kung mananalo sa re-election.

Sa kasalukuyang Konstitusyon ay hanggang siyam na taon naman o tatlong termino na tig-tatlong taon ang mga kongresista, gobernador, alkalde, at iba pang mas mababang posisyon.


Reaksyon ito ni Villafuerte sa manifesto na inilabas ng mga Senador na nagsasaad ng kanilang pagtutol sa people’s initiative kung saan kanilang ikinatwiran ang posibilidad na maamyendahan pati ang probisyong pulitikal ng Konstitusyon bukod sa mga economic provisions.

Giit ni Villafuerte sa mga senador, ipaliwanag sa publiko na ang kanilang pagtutol sa pagreporma sa Saligang Batas ay hindi dahil natatakot sila na mabawasan ang haba ng kanilang pag-upo sa puwesto.

Facebook Comments