Magsisimula nang maghain ng mga resolusyon at panukalang batas ang dalawampu’t apat (24) na senador sa Lunes, July 4.
Paiiraling patakaran sa paghahain ng mga panukalang batas ang ipinatupad noon ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III kung saan sa halip na mag-unahan sa pila ay mauunang maghain ang mga pinakamatagal na nanilbihan bilang senador.
Dahil dito, mauuna si Senador Loren Legarda na 18 taong naging senador bago muling nahalal noong May 9 elections.
Susundan siya nina Senators Pia Cayetano, Lito Lapid at Bong Revillar Jr. na naka-labinlimang taon na sa Senado.
Sunod naman ang mga nakalabindalawang taon na sa Senado na sina Senators Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano at Jinggoy Estrada.
Huli sa pila ang mga first time senators na sina Mark Villar, Robin Padilla at Raffy Tulfo.