Mga senador, suportado ang suhestyong italang “special envoy to china” si dating Pangulong Duterte

Suportado ng mga senador ang suhestyon ni Senator Alan Peter Cayetano na italaga ng pamahalaan si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang special envoy sa China.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ang tulad ni dating Pangulong Duterte o kahit sinumang makakatulong sa diplomasya at paglaban sa exclusive economic zone ng bansa ay malakimg tulong sa ating gobyerno.

Sinabi naman ni Senator Christopher “Bong” Go na sa ngayon siya sa mungkahi ni Cayetano dahil maganda ang ugnayan ng dating pangulo sa Chinese Government partikular kay Chinese President Xi Jinping at pinagkakatiwalaan si Duterte ng China bilang key player sa pangangasiwa ng relasyon ng dalawang bansa.


Para kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, kung madaling nakaka-access si dating Pangulong Duterte kay President Jinping ay bakit hindi ito ang gawing negotiator para sa Pilipinas.

Aniya pa, ang dating presidente ang tamang tao na kailangang ipakausap sa China para maibsan na ang tensyon na nararamdaman sa West Philippine Sea.

Dagdag naman ni Senator JV Ejercito, maganda ang naturang suhestyon at ang mahalaga ngayon ay nananatiling bukas ang komunikasyon ng dalawang bansa at batid naman talaga ng lahat na malapit sa China si dating Pangulong Duterte.

Facebook Comments