Mga senador, tao lamang ayon kay Senate President Chiz Escudero

Iginiit ni Senate President Chiz Escudero na tao lamang ang mga senador na nakakaramdam din ng mga emosyon.

Ang reaksyon ng mambabatas ay kaugnay na rin sa bangayan nina Senators Alan Peter Cayetano at Nancy Binay tungkol sa konstruksyon at halaga ng New Senate Building.

Ayon kay Escudero, hindi robot ang mga senador na kung minsan ay tinatamaan, nasasaktan at naaapektuhan din ng mga pangyayari.


Umapela ang mambabatas na sana ay maunawaan ng publiko na ang emosyon ay lumalabas paminsan-minsan at hindi naman palagi sa mga myembro ng Senado.

Tinukoy pa ni Escudero na hindi lang nangyari kina Binay at Cayetano ang bangayan at pagwo-walk out sa pagdinig kundi ilang senador na rin ang nagsagutan at may matinding banggaan na nangyari sa gitna ng pagdinig at mga sesyon.

Facebook Comments