Mga Senador, tiwalang magdudulot ng malusog na mamamayan ang UHC

Manila, Philippines – Masaya at nagpapasalamat ang mga senador sa pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Universal Health Care Law o UHC.

Pagmamalaki ni Committee on Health and Domography Chairman Senator JV Ejercito, sa ilalim ng UHC law, otomatikong magiging miyembro ng PhilHealth ang mga pilipino at magiging libre na ang konsultasyon at ilang basic laboratory tests.

Siniguro din ni Ejercito na may pondo para sa pagpapatupad ng UHC.


Tiwala naman si Senator Risa Hontiveros na magiging malusog na ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino kaya mas malaki ang kanilang maiaambag sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng ating bansa.

Sabi naman ni senator sonny Angara, sa pamamagitna ng UHC ay tiyak na mas maiiwasan ang paglala ng mga karamdaman at magiging sandigan din ito ng ating mga kababayang salat sa pananalapi.

Diin naman ni Senator Nancy Binay, ang UHC law ay patunay na kaya ng pamahalaan na maging karamay at katuwang ng mga kababayan natin pagdating sa pangangalaga ng pangkalusugan.

Facebook Comments