Mga Senador, tiwalang malalampasan ni Honasan ang kasong katiwalian

Manila, Philippines – Buo ang pag-asa nina Senators Sherwin Gatchalian, JV Ejercito at Antonio Trillanes IV na malalampasan ni Senator Gringo Honasan ang kasong graft na kinakaharap nito sa Sandiganbayan dahil sa umano’y maling paggamit nito ng Priority Development Assistance Fund o PDAF na nagkakahalaga ng 30-million pesos noong 2012.

Ayon kay Senator Ejercito, bagamat masaya sya na ibinasura ng Sandiganbayan ang kanyang malversation case ay ikinalungkot naman nito paglalabas ng graft court ng warrant of arrest laban kay Honasan na agad ding naglagak ng piyansa.

Naniniwala si Ejercito, na inosente at bilib sya sa integridad at kredibilidad ni honasan na nakasama niya sa panig ngg oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.


Dasal naman ni Senator Gatchalian na lumabas ang katotohanan kaakibat ang pagsasalawaran kay Honasan bilang fine gentleman at humble public servant.

Si Senator Trillanes naman, tiwalang kayang kayang idipensa ni Senator Honasan ang kanyang sarili.

Nauna ng kinwestyon ni Senate Majority Leader Tito Sotto III ang kaso laban kay Honasan dahil hindi naman daw silang mga mambabatas ang humahawak o namamahala sa paggastos ng kanilang mga PDAF.

Facebook Comments