Mga senador, umaasa na hindi makadiskaril sa SEA Games ang bagyong Tisoy

48

 

 

Umaasa sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zibiri at Senator Sherwin Gatchalian na hindi maka diskaril sa ginaganap na South East Asian Games ang bagyong Tisoy na inaasahang dadaan sa mga lugar na pinagdarausan ng SEA Games.

 

Tiwala si Sen Zubiri dapat na may contigency measure ang  organizers at kinauukulang ahensya ng pamahalaan lalo na sa mga outdoor games.


 

Sabi naman ni Gatchalian nawa’y maging maayos at matagumpay pa rin na matapos ang SEA Games na ginaganap sa bansa kahit may kalamidad.

 

Sa pagkakaalam naman ni Senate Pres Vicente Sotto III, noon pang nakalipas na linggo ay may naihanda ng contigency measure ang organizer at mga nangangasiwa sa SEA Games.

Facebook Comments
From Advertisers