Mga senador, umaasang lalakas ang transparency at accountability sa pamahalaan sa pagsasapubliko ng mga SALN

Umaasa ang mga senador na mapalalakas ang transparency at accountability sa pamahalaan matapos na alisin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang restrictions sa paglalabas ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN ng mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, magandang hakbang ang pagbubukas ng SALN para sa pagpapalakas ng transparency at accountability na hinahanap ng publiko, lalo na sa gitna na rin ng isyu ng korapsyon sa maanomalyang flood control projects.

Gayunman, apela ni Hontiveros na ipatupad sa lahat ng public officials ang bagong rules o magmula sa pinakataas hanggang sa pinakababa, maging sa mga nakalipas at kasalukuyang opisyal at kahit pa ang may mga makatwirang limitasyon na kaugnay sa personal o sensitibong impormasyon.

Naniniwala naman si Senator Bam Aquino na magandang hakbang ito para masimulan ang paglilinis sa gobyerno at gawing normal ang transparency sa pamahalaan.

Samantala, para kay Senator Joel Villanueva, ang access sa mga public documents tulad ng SALN ay nagsusulong ng mas bukas at mas malakas na mekanismo para sa pananagutan ng mga public officials at laban sa patuloy na paglaban sa katiwalian sa pampublikong sektor.

Facebook Comments