Mga senador, umaasang maisasabatas sa lalong madaling panahon ang Magna Carta of Filipino Seafarers

Inendorso na sa plenaryo ng Senado ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang panukalang “Magna Carta of Filipino Seafarers” na layuning mabigyang proteksyon ang karapatan ng higit sa kalahating milyong Filipino seafarers.

Ayon kay Senator Sonny Angara, Ilang beses nang inihahain ang panukalang ito na nagpapalawig sa mga benepisyo, karapatan at proteksyon ng mga marino na may napakahalagang ambag sa ating bansa.

Paliwanag ni Senator Christopher “Bong” Go, Nakapaloob sa panukala na gawing sistematiko ang karapatan ng mga seafarer sa iisang reference law.


Kabilang sa tinukoy ni Go ang makatarungang terms and condition sa kanilang trabaho, self-organization, educational advancement at training, information at consultation, gayundin ang patas na pagtrato sa kanila sa mga panahon ng aksidente at ang laban nila sa diskriminasyon.

Buo rin ang suporta rito ni Senator Ramon Revilla Jr., na aniya’y isang napakahalagang panukalang batas hinggil sa kapakanan ng marinong Pinoy.

Facebook Comments