Mga Senador, umapela sa kamara na aksyunan agad ang aplikasyon sa franchise renewal ng ABS-CBN

Nananawagan ang mga Senador sa House of Representatives na aksyunan sa lalong madaling panahon ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa renewal ng prangkisa nito na napaso nitong Lunes o May 4.

Ipinunto ni Senator Sonny Angara na sa halip na ipasara ay pwede namang parusahan o pagmultahin ang ABS-CBN kung may paglabag o pagkukulang itong nagawa.

Dagdag pa ni Angara, bukod sa pagkakaloob ng ayuda din ng ABS-CBN sa mga nangaganilangan ay malaking tulong din ang entertainment na ibinibigay nito para manatiling maayos ang mental  health ng mamamayan ngayong may pandemic.


Pakiusap naman ni Senator Nancy Binay sa mga kongresista, bilisan ang pagdinig at pagpapasya ukol sa prangkisa ng abs-cbn at ikonsidera ang kapakanan ng mahigit 11,000 empleyado nito na mawawalan ng trabaho ngayong may krisis.

Giit ni senate President Tito Sotto III sa ngayon ay walang magagawa ang senado sa prangkisa ng ABS-CBN kundi hintayin ang magiging pasya ng mababang kapulungan.

Facebook Comments