Mga senaryo na posibleng mangyari sa SONA rallies ngayong araw, binabantayan ng MPD

Mahigpit na naka-monitor ang Manila Police District (MPD) sa mga senaryo na maaaring mangyari sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Kabilang sa mga binabantayan ngayon ng pwersa ng MPD ang Mendiola, United States Embassy, Liwasang Bonifacio, at Korte Suprema.

Nasa 3,000 tauhan ng MPD ang naka-deploy ngayong araw, 300 dito ay nakakalat sa paligid ng Batasan Complex sa Quezon City.


Mahigpit na bilin ni MPD Director Brigadier General Leo Francisco sa mga tauhan nito na mahigpit na pairalin ang minimum health protocols sa mga rally.

Facebook Comments