Hinimok ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang mga senior citizen at bedridden o mga hindi makaalis ng bahay na magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Mayor Tiangco, handa naman ang local government unit (LGU) na paikutan ng vaccination bus ang mga senior citizen para mabigyan lamang ng proteksyon laban sa sakit.
Napansin ng alkalde na 13,808 o wala pa sa kalahati mula sa kabuuang 31,000 na nakakatandang mamamayan sa lungsod ang nababakunahan..
Paliwanag ni Tiangco, pangatlo ang Navotas sa may pinakamataas na porsiyento ng nabakunahan, pero kakaunti pa lamang na senior citizens na naturukan nito.
Ngayong papasok na linggo nakatakdang bigyan ng bakuna ang mga nasa A1, A2, A3 at A5 priority groups.
Facebook Comments