Mga senior citizen at PWD ng Taguig City, makatatanggap na ng ayudang pinansyal

Inihayag ng Pamahalaang lokal ng Lungsod ng Taguig na na bibigayan nila ng ayudang pinansayal ang mga senior citizen at persons with disability o PWD bilang bahagi ng kanilang crisis financial program.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ₱4,000 ang matatanggap ng bawat senior citizens at PWDs ng lungsod.

Maliban sa cash assistance, aniya, ang mga matatanda ng Taguig ay bibigyan din ng tig-isang SIM card na may load na tatagal ng isang buwan.


Layunin, aniya, nito na bigyan ng access ang kanilang senior citizens sa internet upang hindi mainip at hindi na lumabas ng bahay habang patuloy ang paglala ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

Dagdag pa niya na ang 68,000 na senior citizens at 12,000 na PWDs ng Taguig ay ilan lang sa mga residente nito sa lubhang naapektuhan sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa kasalukuyan, ang Taguig City ay 164 na COVID-19 confirmed cases, 83 suspected cases at 11 na ang nasawi.

Facebook Comments