Mga senior citizen, dapat tiyakin ng LGUs na mababakunahan

34

Pinapatiyak ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa Local Government Units o LGUs na mababakunahan ang mga senior citizen sa kanilang nasasakupan.

Panawagan ni Go, suyurin ang mga senior citizen dahil hindi lahat sa mga ito ay nakakalabas, dahil takot bumiyahe kaya hindi makapunta sa mga vaccination centers.


Hiling ni Go sa LGUs, kung kailangan ay magbahay-bahay para matiyak na walang senior citizen ang mapag-iiwanan lalo’t sila ang nakakarami sa tinatamaan ng malubhang kaso ng COVID-19 o kaya ay nasasawi.

Muli nanawagan si Go sa mga senior citizen at sa lahat na magpabakuna bilang proteksyon sa virus at para rin sa pagbubukas ng ekonomiya at unti-unting pagbalik sa normal ng ating buhay.

Facebook Comments