Mga senior citizen, ipinalilibre sa pagbabayad ng parking fee at pina-e-exempt sa number coding

Manila, Philippines – Ipinalilibre na sa pagbabayad ng parking fee at pin-e-exempt din sa number coding ang mga senior citizens.

Sa House Bill 1816 na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, pangunahing layunin nito na dagdagan ang benepisyo at pribilehiyo ng senior citizens.

Bagamat may ilang lokal na pamahalaan na nagbibigay ng pribilehiyo para sa libreng parking sa mga nakatatanda, iginiit ng kongresista na mas mabuting maging batas na ito para maipatupad na buong bansa.


Ang paglilibre sa parking fee at exemption sa number coding ay magiging bahagi umano ng pagpapagaan ng buhay ng mga nakatatanda bilang balik sa naging kontribusyon ng mga ito sa bansa.

Base sa panukala ni Vargas, ang exemption sa number coding at libre sa pagbabayad ng parking fee ay igagawad kung senior citizen ang driver o pasahero ng sariling sasakyan.

Facebook Comments