Mga senior citizen na kaya pang magtrabaho, makakatulong sa pagtugon sa kahirapan at kagutuman sa bansa

Nananawagan si Committee on Senior Citizens Chairman at Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ompong Ordanes sa mga corporasyon at mga negosyante na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.

Ito ay para sa pagtanggap ng mga senior citizen na kaya pang magtrabaho katulad ng ginawang programa ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila.

Diin ni Ordanes, malaki ang maitutulong ng mga nagtatrabahang lolo at lola para matugunan ang kahirapan at kagutuman sa ating bansa lalo na sa mga lugar na malaki ang populasyon at marami ang maralita.


Ayon kay Ordanes, marami tayong mga kababayan na edad 60 pataas ang nais pang magtatrabaho at maaari itong matupad kung maima-match ang kanilang kakayahan at galing sa mga kailangang empleyado ng mga kompanya.

Sabi ni Ordanes, aabot sa 148,000 ang malilikhang trabaho kung mabibigyan ng pagkakataon ang kahit 1,000 mga senior citizen sa 148 mga lungsod sa bansa na makapagtrabaho.

Aabot naman aniya sa 74,300 new jobs ang ibubunga kung ang 1,486 munisipalidad sa buong Pilipinas ay maglalaan ng kahit 50 trababo para sa mga nakatatanda nating kababayan.

Facebook Comments