Buena manong matuturukan ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ang mga senior citizen na medical health workers.
Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez dahil ang Sinovac ay para lamang sa 18-59 years old na clinically health individual kung kaya’t hindi nabakunahan ang mga nakatatandang health worker.
Habang advisable namang gamitin ang AstraZeneca sa mga 65 years old pataas base na rin sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO).
Kasunod nito, sinabi ni Galvez na agad ding uumpisahan ang roll out ng AstraZeneca vaccines.
Isasabay aniya ito sa nagpapatuloy na rollout ng Sinovac vaccines kung saan una itong ibibigay sa mga medical health worker sa COVID-19 referral hospitals, ibang Department of Health (DOH) hospitals, public at mayroon ding alokasyon para sa mga pribadong ospital.
Target ng pamahalaan na mabukunahan ang lahat ng medical healthworkers ngayong buwan ng Marso.