Friday, January 16, 2026

Mga senior citizen na nais magpabakuna, dumarami na ayon sa National Commission of Senior Citizens

Dumarami na ang bilang ng mga senior citizens na nais na magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Franklin Quijano, Chairperson ng National Commission of Senior Citizens (NCSC), maraming mga senior citizen ang ayaw magpaturok dahil sa pag-aalangan sa bakuna.

Pero dahil sa banta na dulot ng Delta variant, 2 porsyento na lamang ng mga senior citizens ang ayaw talagang magpabakuna habang 8 porsyento na lamang ang mayroong pag-aalinlangan.

Sa ngayon, paliwanag pa ni Quijano na ang 2 porsyento ng mga senior citizens na ayaw magpabakuna ay ang mga naniniwala sa fake news.

Facebook Comments