Kailangang pumirma ng waiver ng mga senior citizens na gustong magpaturok ng Sinovac vaccine mula China.
Kasunod ito ng hirit ng pamahalaan na turukan ng Sinovac vaccine ang mga senior citizen.
Ayon kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo, ganito ang magiging sitwasyon hangga’t hindi pa nababago ang Emergency Use Authorization (EUA) nito.
Aniya, ginagamit lang kasi ang Sinovac vaccine sa China sa 18 hanggang 59 taong gulang.
Kasabay nito, nilinaw infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na puwede nang magtipon-tipon ang mga nabakunahan nang walang face shield at kahit may mga nakasalamuhang COVID-19 positive kung may kompleto nang bakuna.
Facebook Comments