Mga senior citizen sa Parang, napagkalooban ng tulong medikal

Daang mga senior citizen ang nakabenipisyo ng libreng check up at gamot sa isinagawang medical mission ng Peoples Medical Team ng Maguindanao sa bayan ng Parang noong sabado.

Isinagawa ito sa Municipal Gymansium kasabay ng Senior Citezens Week ng LGU Parang.Maliban sa Medcap namahagi rin ng food packs ang Provincial Government kasama mismo ang alkalde ng bayan na si Mayor Ibrahim Ibay.

Di naman maisalarawan ang kasayahan ng mga nakabiyaya ng tulong at lubos na nagpapasalamat bunsod na rin sa pagpaparamdam pa rin sa kanila ng halaga ng pamahalaan.


Ang insiyatiba ng Peoples Medical Team ay bunsod pa rin sa naging direktiba ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu na maiparating sa lahat ang serbisyo ng Provincial Government sa kanyang mga kababayan.

Facebook Comments