Ginawaran ng cash gift incentive na nagkakahalaga ng ₱10,000 ang mga residente ng Pozorrubio na edad 90 pataas.
Anim na nonagenarians mula sa iba’t ibang barangay ang naging benepisyaryo ng unang batch ng programa.
Ayon sa lokal na Pamahalaan ang programang ito ay bahagi ng kanilang adbokasiya na kilalanin ang mga kontribusyon ng mga nakatatanda sa bayan.
Ang pamamahagi ng nasabing insentibo ay alinsunod sa lokal na ordinansa at batas ng bayan.
Hinihikayat ang iba pang kwalipikadong senior citizens na hindi pa nakakatanggap ng benepisyo na magbigay ng kanilang valid ID at birth certificate sa MSWDO o sa kanilang Barangay Daycare Worker upang maisama sa susunod na batch ng mga benepisyaryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments