Mga Senior Citizens at mga kabataan sa Buldon nakabiyaya sa MEDCAP

Nag-uumapaw ang pasasalamat ng mga residente ng bayan ng Buldon matapos makabiyaya ng free medical services mula sa LGU katuwang ng Peoples Medical Team ng Maguindanao, IPHO Maguindanao, 6th ID, 37th IB at Rural Health Unit.
Abot sa 464 na mga mamayan ng bayan mula sa ibat ibang baranggay ang nakabenipisyo ng ibat ibang medical services na kinabibilangan ng free consultation , tooth extraction at libreng tuli.

Isinagawa ang Medcap sa Gym ng Baranggay Calaan at pinangunahan ni Buldon Mayor Abolais Manalao. Nakabiyaya sa aktibidad ang mga senior citizens, mga magulang at mga kabataan.

Layunin ng aktibidad ay upang matulungan ang mga residente na mapanatili ang magandang kalusugan at matulungan ang mga hirap sa buhay .


Samantala maliban sa Buldon napagkalooban din ng Peoples Medical Team ng medical services ang mga residente ng Barira at Upi. 546 na pasyente mula sa Upi, isinagawa ang medcap sa Brgy. Tinungkaan habang 287 Patients naman ang napagkalooban ng serbisyo medical sa bayan ng Barira.
PMT Pic

Facebook Comments