MGA SENIOR CITIZENS NA GUSTONG MAGPABAKUNA, MAAARI NANG MAGPAREHISTRO

Cauayan City, Isabela- Tinatawagan ng pansin ang lahat ng mga senior citizens sa Lungsod ng Cauayan na gustong magpabakuna ng anti-COVID-19 vaccine na makiisa sa ginagawang RESBAKUNA pre-registration.

Sa mga gustong magpabakuna, maaaring magrehistro sa link na bit.do/covacsenior <bit.do/covacsenior?fbclid=IwAR3AQxFM6ClyOlfFBvAXHRVZmb8wOETbkaMtg86ESIUbMGHziZV4MmOOeyg> .

Maaari rin tumawag sa ga BHERTS hotline numbers sa inyong nasasakupang barangay.


Hinihikayat din ang kooperasyon ng mga anak, apo o pamangkin na tulungan at gabayan ang mga lola at lolo para makapagrehistro.

Kaugnay nito, una nang nabakunahan ang 13 Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) mula sa barangay District 2 sa Lungsod na isinagawa sa San Fermin Community Center.

Sa kasalukuyan, tumataas pa rin ang kaso ng Cauayan City na kung saan pumalo sa 192 ang aktibong kaso.

Facebook Comments