Mga Senior Citizens, papayagan nang makalabas ng bahay at makapasyal sa mga mall – Malakanyang

Papayagan na ang mga senior citizen na makalabas ng bahay at makapasyal sa mga mall kasunod ng pagbaba sa Alert Level 3 ng Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangan lamang na fully vaccinated na laban sa COVID-19 ang mga senior citizen.

“Hindi po natin binabawi iyong incentive na binigay natin sa seniors na kapag sila ay vaccinated eh pupuwede po silang pumunta sa mga malls at pupuwede silang lumabas ng bahay, ganoon pa rin po iyon. Ang hindi natin ina-allow pa ngayon ay iyong mga menor de edad na magpunta sa mga malls kasi hindi sila bakunado po, unlike the senior citizens na posibleng bakunado na sila,” pahayag ni Roque.


Nagpaalala naman si Roque sa mga senior citizen na pupunta sa mga mall na dalhin ang kanilang VaxCertPh or proof of vaccination.

Sa ngayon, umaabot na sa 24,498,753 ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa buong bansa.

Facebook Comments