Mga senior citizens, pinabibigyan ng libreng “kits” ngayong pandemya

Hiniling ni Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo Ordanes sa pamahalaan na bigyan ng libreng “kits” ang mga senior citizens na naka-home quarantine matapos magkasakit ng COVID-19.

Ang mga kits na ibibigay sa mga nakatatanda ay may lamang mga gamot, COVID-19 testing kits na antigen o saliva tests, food supplies at iba pa na kailangan ng pasyente.

Iginiit ni Ordanes na mahalagang matutukan ang kondisyon ng mga naka-home quarantine na pasyente na may mild o moderate cases.


Ipinunto pa ng kongresista na dapat na mapagkalooban ang mga naka-home quarantine ng COVID-19 kits upang hindi sila mag-panic at maiwasan na sila ay sumugod at makipagsiksikan sa mga ospital.

Dahil dito, iminungkahi ni Ordanes sa Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at iba pang ahensya ang supplies ng mga lokal na pamahalaan para makapaglaan at makapamahagi ng COVID-19 kits.

Facebook Comments