Mga senior citizens, pinatututukan ngayong midterm election

Pinaaalalayan ni Senior Citizens Partylist Rep. Francisco Datol ang mga senior citizens na boboto ngayong May 13 midterm election.

 

Partikular na nanawagan sa mga millenial volunteers ang kongresista na tulungan ang mga matatanda sa darating na halalan.

 

Pakiusap ng mambabatas na unawain ang kalagayan ng mga senior citizens na malalabo na ang mata at mahihina ang pagdinig na tulungan ang mga ito na makaboto ng maayos.


 

Hiniling nito na dapat ay palaging may nakahandang tubig para sa mga senior citizens at maayos ang bentilasyon ng kanilang pagbobotohan.

 

Dapat ay magkaroon muna ng orientation sa mga volunteers para maintindihan ang pangangailangan ng mga senior citizens.

 

Umapela din ang mambabatas sa mga bus companies, mga pier at paliparan na magbigay ng ‘special care’ sa mga senior citizens na luluwas para makaboto sa Mayo.

Facebook Comments