MGA SENIOR CITIZENS SA BAYAN NG MANGALDAN, BENEPISYARYO NG PROGRAMANG AICS

Benepisyaryo ang mga senior citizens sa bayan ng Mangaldan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS sa ilalim ng ahensyang Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Nasa kabuuang halaga na dalawang libo piso naman bawat indibidwal ang natanggap ng mga lola at lola na mula sa iba’t-ibang Barangay sa nasabing bayan.
Nasa ikaapat na batch na ngayon ang naipamahaging tulong pinansyal sa mga senior citizens at asahan pa umano ang tuloy tuloy na pag-arangkada nito sa mga susunod na araw ayon mismo sa tanggapan ng ikaapat na distrito ng Pangasinan na pinangungunahan ni Cong. De Venecia

Samantala,tinatayang nasa higit isang libo o kabuuang bilang na isang libo at limang daan ang nabigyan ng financial assistance sa pamamagitan ng tanggapan ng 4th District Rep.ng Pangasinan katuwang ang lokal na pamahalaan ng bayan maging ang Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) at Federation of Senior Citizens Association of Mangaldan (FESCAM). |ifmnews
Facebook Comments