MGA SERBISYO PARA SA MGA OFWs SA REGION 1, PAIIGTINGIN

Target ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagpapaigting sa kanilang mga proyekto upang mabigyan ng dekalidad na serbisyo ang mga residente sa rehiyon na nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang magtrabaho.

Nito lamang, nagkaroon ng Memorandum of Agreement signing para sa pagpapahusay pa ng serbisyo at suporta sa mga Overseas Filipino Workers. Ang naturang ceremonial MOA signing ay sa pagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), 26 Mayors ng lokal na Pamahalaan at 126 Migrant Desk Officers sa Region 1.

Kasabay na rin dito ang Migrant Desk Officers Congress sa buong Rehiyon. Inaasahan na mas mapagtitibay pa nito ang mga serbisyo at proteksyon na maibibigay sa mga kababayang OFW na nagtatrabaho at nagsisikap sa ibang bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments