Umaasa ang ilang shed owners sa Bonuan Tondaligan Beach na dadagsain ang pook pasyalan lalo ngayong pagpasok ng Bagong Taon, January 1, 2025.
Hindi gaanong dinarayo ang pook-pasyalan nitong Kapaskuhan dahilan umano na nasa bayan, o kaya naman sa mga tahanan at simbahan ang mga tao sa pagdiriwang ng Pasko.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang shed owners, mangilan-ngilan lamang ang nagtungo sa beach at nagrenta ng kubo dahil ang iba, sa dalampasigan mismo nanatili at naglatag na lamang ng sapin.
Habang inaasahan naman ngayon na tuluyang dadagsain ang dagat na extension ng pagdiriwang ng mga pamilya at kaanak.
Samantala, walang gaanong pagtaas sa singil ng shed lalo umano ngayong panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments