Mga sheriff sa Florida, USA – pinagtulugang sagipin ang isang baka

Florida, USA -ipinakita ng mga sheriff sa Polk county na hindi lang pagpapanatili ng kapayapaan ang tungkulin nila, kundi pati na rin ang pagtulong sa mga hayop na nasa kapahamakan.

Ito ay matapos nilang matagumpay na nasagip ang isang baka na muntik nang malunod sa maputik na kanal sa Wahneta.

Gamit ang loader ng may-ari ng baka, pinagtulungan nilang iahon ito mula sa pagkakalubog.


Naging patunay lamang ito na, kahit sino o ano pa man, hindi pumipili ng tutulungan ang mga sheriff ng Polk county.

Facebook Comments