Mga shipping line, pinakiusapan ng PPA na dagdagan ang biyahe ng mga barko

PHOTO: Philippine Ports Authority/Facebook

Nanawagan ang Philippine Ports Authority (PPA) sa shipping lines na dagdagan ang mga barko ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ito’y para mas mabilis ang pagbiyahe at hindi maipit ang mga pasahero sa pantalan na nag-aantay ng susunod na oras ng biyahe.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, inaasahang aabot sa 5.1 milyon ang daragsa sa mga pantalan simula December 16 hanggang January 15, 2024.


Kaya’t dahil dito, mas pinaigting pang PPA ang seguridad at pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero ngayong Holiday season.

Kabilang sa mga hakbang na ipinatupad ay ang mas madalas na pagpapatrolya sa lahat ng pasilidad ng mga pantalan gaya ng mga terminal at entry points; masusing inspeksyon sa mga cargo, sasakyan, at personnel; pakikipagtulungan sa iba pang ahensya; pagbibigay ng kaalaman sa publiko para sa security measures at pagre-report ng mga kahina-hinalang aktibidad.

Dagdag pa ni Santiago, maagang nakapaghanda ang mga pantalan sa ilalim ng PPA na nakapagbukas na ng mas pinalawak na passenger terminal buildings ngayong taon para sa dagsa ng mga pasahero.

Facebook Comments