Inihahanda na ng Dept. Of Trade and Industry (DTI) ang draft order na mag-oobliga sa mga tindahan o shops na isalin ang kanilang dayuhang Wika sa Filipino o Ingles.
Ito ay tugon sa ulat na ilang restaurant sa bansa ang tumatanggap lamang ng Chinese Nationals.
Ayon sa DTI, ang Draft Department Administrative Order ay sasakupin ang lahat ng businesses na nag-aalok ng produkto at serbisyo sa ilalim ng Consumer Act of 1992.
Sa ilalim ng kautusan, mahigpit nang ipagbabawal ang mga untranslated signage, billboards, brochures, fliers, notices, labels, advisories, price tags, menu, receipts, at iba pa.
Pinapayagan pa rin ang paggamit ng foreign language basta may kaakibat itong filipino o english translation.
Ang proposed penalties ay 50,000 pesos sa unang paglabag, 100,000 sa ikalawa, at 300,000 pesos kapag humanton sa ikatlong paglabag.
Ang third-time violators ay kakanselahin ang kanilang business name certificate sa business name registry ng ahensya.
Inirerekomenda rin ng DTI sa mga lokal na pamahalaan o iba pang ahensya na i-revoke ang business registration, permit, licenses at iba pang clearances ng mga lalabag na establisyimento.