Mga sibilyang nagsisilbing bodyguard ng mga POGO workers bawal ayon sa PNP

Ipinagbabawal ang mga  sibilyan na nagsisilbing bodyguard ng mga Chinese Nationals na nasa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Giit ito ni Police Major GenerRoberto Fajardo Jr, director ng PNP Civil Security Group sa harap ito ng pagdagsa ng mga POGO sa bansa na naghahanap ng mga Bodyguards.

Sinabi ni Fajardo sinasamantala ng ilang mga sibilyan na mag appy ng bodyguard kahit hindi lisensyadong Protective Agents.


Kapag sinisita ay pinalalabas nilang mga drivers ng mga dayuhang VIP.

Paliwanag ni Fajardo ang pagkuha ng Private Security ay kailangang dumaan sa proseso ng Threat Assessment at aaprobahan ng Chief ng PNP.

Babala ni Fajardo, dapat itigil na mga ganitong gawain dahil kapag sila ay natiyempuhan sa kanilang mga Operation, mahaharap sila sa patong patong na kaso.

Facebook Comments