Mga Sikat na Singers at Personalidad sa Mundo ng Entertainment, Magtatanghal sa Bambanti Festival

Ilagan, Isabela – Mas magiging bongga at masaya ang gaganaping Bambanti Festival 2018 Grand Concert Party sa Enero 27, 2018.

Ito ay sa pamamagitan ng gagawing pagtatanghal nina Ogie Alcasid, Elmo Magalona, Janella Salvador at Jona Viray sa huling araw ng Premier Festival ng Isabela.

Sa impormasyon ng Isabela provincial Information Office na nakapost sa kanilang facebook official account ay dito makikita ang mga paanyaya ng mga naturang mga performers.


Panoorin ang pag-imbita ni OPM legend Ogie Alcasid.

Panoorin ang pag-imbita nina Elmo at Janella.

Panoorin ang pag-imbita ni Jona Viray.

Ang Bambanti Festival 2018 ay nagsimula noong Enero 22, 2018 at ito ay magtatapos sa Enero 27, 2018 kung saan itatampok ang Grand Concert Party at makulay na Fireworks Display.

Facebook Comments