Mga siklista at nagjo-jogging, required na ring magsuot ng face shield

Pinagsusuot na ng face shield ang mga siklista at nagjo-jogging bilang pag-iingat sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.

Ayon kay Joint Task Force (JTF) COVID Shield Commander Lt. Gen. Cesar Binag, alinsunod ito sa kautusan ng pamahalaan para maiwasan ang paglobo ng kaso ng sakit lalo ngayong holiday season.

Walang namang magaganap na exemptions sa mandato oras na lumabas ang mga residente sa kani-kanilang tahanan.


Matatandaang buwan ng Agosto nang sabihin ng Department of Transportation (DOTr) na hindi sakop ang mga siklista ng memorandum sa pagpapasuot ng shields sa pampublikong transportasyon.

Facebook Comments